Nakakataba ng puso ang mga reaksyon at personal na sulat mula sa kaibigang nakakabasa ng aking “status”, sa aking simpleng naising ibahagi ang mga aral ng buhay na aking natutunan mula sa mga simpleng bagay ay may mga tao pala akong naaabot at nabibigyang inspirasyon. Sa tagal na panahong huminto ako sa pagsusulat, inakala kong ako’y “kinalawang” na, ngunit ang Diyos na may bigay ng talentong ito ang “naglangis” sa regalong ito upang patuloy kong magamit di bilang isang karera kundi upang ipaaalam, na sa bawa’t bagay na ating pinagdaraanan at nararanasan sa buhay ay may Diyos na sa atin ay nagmamahal at sumusubabay. Para sayo Panginoon ang kakayahang ito! At panalangin ko na bawa’t titik ay tumatak, bawat pantig ay umantig at bawat salita ay sumalit sa kawalan ng pag-asa at pananampalataya! Sabay-sabay mo kaming hubugin upang kami’y maging karapat-dapat sayo!
Kalawang at Langis
Posted by
Unknown
Thursday, June 7, 2012
Labels: inspirational , inspiring , tagalog
0 comments:
Post a Comment