Habang ninanamnam ang ilang pirasong ubas na aking hiningi, biniro ko si Dex at sinabing : “pag may sumobra sa baon mo, pasalubungan mo naman ako ng ganitong katamis na ubas”, ngumiti lamang siya at sinabing “basta ikaw bibilhan kita”. Kakatapos pa lang ng enrolment kaya’t kami ay naghihigpit ng sinturon, kasama na rito ang paghihigpit sa kanyang weekly “allowance” kaya di ko inasahang mangyayari ito. Kinabukasan, pag-uwi niya may ningning sa mga mata at buong tamis na ngiting inabot ang isang supot ng Rustan’s! (sosyal!) “dahil espesyal ka at dahil mahal kita!” Ubas! Mas malalaki at mas mahal!!! Bilang isang praktikal na ina gusto ko siyang sitahin pero kinagat ko ang labi ko at pinalitan ang panghihinayang sa mahal na ubas ng isang pasasalamat…Dahil sa taong ito na handang isakripisyo ang ano mang meron siya upang mapasaya ang taong mahal niya. Salamat po O Diyos sa taong ito! Salamat po sa pagmumulat sa akin na ang wagas na pagmamahal ay walang katumbas na halaga at ito’y mag-uumapaw sa panahon man ng kagipitan. Gawin niyo pong karapat-dapat sa pag-ibig na ito.
UBAS NG PAGSASAKRIPISYO
Posted by
Unknown
Thursday, June 7, 2012
Labels: inspirational , inspiring , tagalog
0 comments:
Post a Comment